Isang content blocker na nakabase sa MV3 ang uBO Lite (uBOL).

Tulad ng uBlock Origin, ito rin ang mga default na listahan ng mga filter:

- Mga built-in na listahan ng mga filter ng uBlock Origin
- EasyList
- EasyPrivacy
- Listahan ni Peter Lowe sa mga ad at tracking server (Peter Lowe’s Ad and tracking server list)

Maaring magpagana ng mas maraming ruleset sa page ng options -- pindutin ang _Cogs_ sa popup na panel.

Deklaratibo lamang ang uBOL, kaya hindi nito kailangan ng permanenteng proseso upang mag-filter, at mainam na ginagawa ng browser mismo imbes na ekstensyon ang pagfi-filter sa content na nakabase sa CSS o JS. Ibig-sabihin, hindi kumokonsyumo ng CPU o memorya ang uBOL habang nanghaharang -- ang proseso ng trabahante ng serbisyo ay kailangan _lang_ kung nasa popup panel o pahina ng opsyon ka.
